Hmmm… Wow. Sinisipag ako?lol. Not really, it’s just that wala na namang nakakaintindi sa akin bukod sa sarili ko. Nagiiba na naman ako ng lenggwahe. So intead of talking bunk with other people, I just wanna express *some* my views or what’s in my head.
What is Independence? Being free….
Independence here is all about being free from the things that suppresses a person. Like being free from your parents. Hindi mo na kailangan pang magpaalam kapag may gusto kang puntahan. Hindi mo na kailangan umuwi ng maaga kapag may pinuntahan ka.
That is one big thing guys! Di ba? well, all my life hinigpitan ako ng parents ko about these things… yung time, yung pagbabarkada, basta. Disciplinarian talaga ang tatay ko. But i understand him naman kasi I’m the youngest, im the bunso and i’m a girl. Anyway, ok lang.
So how did I get my freedom? As in total freedom?
Simple lang, I worked. When I turned 18, I started to work. I looked for a job hoping that my parents will allow me with certain things like going home late, pag gala gala, and sleeping over my friends’ house. It worked naman. Kasi they know i am responsible enough, i know i can handle myself, i can do the budgeting, and i pay for everything. I don’t use their money anymore. That’s it lang. But yeah they still worry about me.
I remember before when I slept over my boss’ house because I need to finish a paper, my paps got mad and like he doubted kung san talaga ako nagpupunta. I got mad too! (o db ang taray hoho)… wala lang, kasi I’m working tapos ganun pa iisipin nila saken. I’m working so hard, they can’t give me the things that I want so I
wanna get it by myself. I am too ambitious to depend on them. Ayokong maghintay nalang katulad ni Juan Tamad sa ilalin ng puno. Gusto kong pitasin ang bunga kapag hinog na, ayoko ng hintaying malaglag pa yun sa bibig ko. Kung hindi nila kaya, kaya ko! not for myself, but for us…
It’s really hard to be independent. Madaming naiinggit sakin kapag nagkukwento ako about me being indie from my parents. I still live with my parents though, but it feels like I’m not. Parang boarder lang nila ako sa room ko. I pay for my bills, I share with the electric bill (sometimes), I buy my food, I pay for my tuition, I take care of my allowance and other expenses. everything….. ang hirap lalo kapag gumigising ka na walang food na nakahanda. In times like that, I really feel i don’t belong to the family. Ewan ko. Bakit nga naman ako lulutuan ng food eh tanghali na ako gumising tapos hindi pa ako kumikilos sa bahay. Eh…. hindi naman nila ko pinagaaral eh^^ at saka nahihirapan ako sa paghahanap ng pang tustos sa sarili ko. Hmmmm siguro naman may point ako dun noh? agree ka nalang! XD
Nakakaurot! lalo na kapag nagkakasabay sabay yung mga reasons kung bakit ako nasstress. Anu ano ang mga iyon?
*Work- sa field ng trabaho ko (freelance writing)… baliktad ang mundo ko sa mga clients, hindi pa peak season. tang ina. May palang nakatengga na ako! tang ina September na! tang ina. Hindi na ko mabubuhay sa raket kong to next month ^^. chillax lang
*Family- nakakapressure kasi kapag wala kang pera feeling mo wala kang silbi sa bahay, sa lipunan at sa lipunan! (shitttt. money sucks! really)
*School- lalo na kapag may mga kailangang ipasa tapos nagmagaling kang iassist yung project? tapos ang konti ng response rate from your members. Ang feeling mo nun para kang nagtake ng midterm at finals ng sabay. (leche!)
tapos iniisip ko din next month, hmmm may ojt na, and a couple of subjects that i need to complete. crap… super loaded ako. I’m planning to apply for a work pa naman. Kulang ang 24 hours para saken. Pano ko kaya hahatiin ang ojt time, work time, and pasok ko sa school? goodluck to me ^^
*Love life- I love him. Yes. Nananalig akong naiintindihan nya ako. kaya lang minsan gusto ko ng gumive up. Nasasaktan ko sya, nasasaktan nya na din ako. Pero nagmamahalan kami ng buong giliw. Para naman akong pinagsakluban ng langit at lupa kapag wala sya, pero pag nandyan tapos sumabay sa mga stress ko sa buhay… hmmmmm, naaawa lang ako sa sarili ko.
Feeling ko isa ko sa wonder girls. Sorry kung papupurihan ko ang sarili ko ha! Pero sa totoo lang, I’m so great.
Ang buhay Indie….
-malaya
-masaya
-magastos
-masakit sa bulsa
-masaya
-matured
-responsible
-fulfilling
Pero……
-malungkot
-emo
-mag-isa(I have God pala!^^)
-sarili lang nakakaintindi
-nakakapagod
-nakakastress
kaya goodluck nalang sa inyo
sana habang maaga pa, matuto na kayong humiwalay sa mga magulang ninyo… nakakahiya kasi. Sobra. ^^ tapos ka na! lalo kapag hindi ka marunong makisabay sa agos ng buhay. matuto ka lang….
*work-matuto kang magsave para bukas. wag kang gimik ng gimik, gastos ng gastos, bili ng bili. gumastos ka lang kapag may kukunin ka na para bukas. gumastos ka lang para sa pagkain, at para sa ikaliligaya ng buong giliw mung puso^^
*Family- sila lang ang kakampi mo kapag iniwanan ka ng lahat. nakakapressure man, mahal ka pa din nila kahit anong gawin mo. kahit you hate them, they love you pa rin :p no choice ka pare!
*School- matuto kang tumawa kasama ng mga kaibigan mung tunay at tanggapin ang katotohanang kasama mo pa rin sila sa hirap at ginhawa para lang makalabas sa isang gubat. walang survivor… lahat kayo survivor.
*Love life-matuto kang magparaya. wag kang selfish. hindi ka na single, double ka na XD. take it easy… magtulungan kayo, mangarap kayo ng sabay. gawin nyo para sa isa’t isa, at para sa ikasisiya ng mga tao sa paligid nyo. Open the lines of communication, always. If you love, do not expect him/her to do the same. Mahal mo sya, kailangan pa bang mahal ka nya para lang ipagsigawan mo sa mundong mahal mo sya? magpakatotoo ka.
kung wala ka pang jowa, wag ka na munang magjowa kapag hindi ka pa ready!
P.S. Act like your age and be responsible… Make your parents proud, make yourself proud too. hohoho. xiao carabao!
click the ads here please^^